Home > cory aquino > Monumento ni Cory ipinag-utos ni Gloria

Monumento ni Cory ipinag-utos ni Gloria

Naglabas ng kautusan ni Gloria Macapagal Arroyo na magtayo ng monumento para kay Pang. Cory Aquino sa Rizal Park.

Magandang intensyon, pero may bahid ng malisya ang desisyon. Bakit? Isang kurap na Pangulo ang mag-uutos ng monumento sa taong ipinaglaban ang demokrasya na mismong si Gloria ang yumururak.

Parang insulto kesa parangal ang inihahatid nito sa atin.Ang taumbayan mismo ang magtatayo ng monumento para kay Cory, at hindi galing sa kaban ng bayan. Si Cory mismo ang maiinsulto sa kautusan nya, Dios por Santo!!!

Si Sen. Noynoy na ang nagsabi na ang tunay na pag-aalala kay Cory ay ang ipagpatuloy ang kanyang laban, laban nila ni Ninoy.

Baka gaya ng ibang monumento, lumutin at iputin lang ng mga ibon sa ulo ang rebulto at monumento ni Cory.

Isa pa, sa Rizal Park o Luneta? Ang dami ng mga monumento doon, labo-labo na nga kung tutuusin. Hindi na nabigyang layon ang Rizal Park sa sang damakmak na mga monumento doon. Baka dumating ang araw, si Manny Pacquiao may monumento na rin sa Luneta.

Kung seryoso si Gloria Arroyo na bigyang prangal si Pang. Cory, tumalima sya sa matagal ng pakiusap ni Cory sa kanya: mag-resign at aminin ang puno’t dulo ng “Hello Garci.” Kung seryoso si GMA, aminin na nya ang mga sakdal ng korupsyon g kanyang administrasyon. Kung sryoso sya, wag nyang lustayin ang pera ng bayan sa kanyang mga byahe sa ibang bansa at sa pag-kain nya sa mga mamahalin restoran.

Hay naku Gloria, itigil mo na ang kahibangan mo!

Advertisements
  1. Lorelei Aquino
    August 22, 2009 at 1:20 pm

    Tama!!! Dati, wala akong paki alam kung ano ang nangyayari sa Pilipinas just because sa America na kami namumuhay. Pero dahil sa halimbawa ni Pres. Cory nagising ako kahit saang lugar ako, Pilipino pa rin ako at dapat hindi magwalang bahala. Thank you for doing this, enlighten the minds of many. Di na kailangna ng Masteral at Doctorate sa Finance to know na habang tumataas ang assets ni Gloria eh palubog na palubong ang utang ng Pilipinas. At ang kanilang cabinets members obvious na pinagtatakpan ang pagnanakaw ni Gloria, kaya nga sila ang nakaupo doon. Sabi ng Finance Sec eh kaya daw umuutang eh para makabayad ng utang. She is a disgrace to Pres. Macapagal. Lalo lang nilang inilulubog ang sarili nila sa kumunoy. Lahat ng kahayupang ginawa niya, yung pinaghirapan ipunin ni Frank Chavez sa termino ni Cory na tagong yaman ni Marcos, ano ang ginawa ni Gloria? Yung mga napatunayang pumatay kay Ninoy ano ang ginawa ni Gloria? Pati yung guard ni Cory kukunin nila. YOu dont mistake like that…That was stupid…Kaya dapat pagbayaran ni Gloria ang kasalanan niya sa Pilipino, ikulong din siya kagaya ng pagkakakulong kay Erap kasama at lahat ng pamilya niya para di na maghasik ng lagim sa Pilipino.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: