Home > cory aquino > ninoy aquino – ituloy ang laban

ninoy aquino – ituloy ang laban

Advertisements
  1. Dan Rivero
    August 22, 2009 at 4:35 pm

    Demokrasya
    Prof. Dan Rivero

    Ang bayang naging tulog, bibig naging kimi;
    Ay namula’t, nagising at nagsalitang muli;
    Sa paglisan ng isang babeng minsa’y tumindig;
    Laban sa rehimeng sa baya’y nagpatahimik;
    Mga karapatang pantaong matagal na siniil.

    Kanyang asawa pinatay na walang laban;
    Bitbit lamang ang hangad para sa kalayaan;
    Para sa sambayanang uhaw sa kapayapaan;
    Tungo sa tunay na kaunlaran nitong ating bayan;
    Sa ilalim ng katotohanan, pag-ibig at katarungan.

    Subali’t hindi naduwag itong abang biyuda;
    Sa halip ay tumayo at humarap sa masa;
    Baya’y nagkaisa’t tumalima sa panawagan nya
    Na labanan ang pagkamakasarili at pagpapasasa;
    Ng isang diktador, pamilya nya’t oligarkiya.

    Kalayaa’y natamo dalawang dekada ng lumipas;
    Nang ang diktador at alipores niya’y umalpas;
    Taumbaya’y nagsimula sa isang panibagong bukas
    Sa gabay ng lider na namuno sa pag-aaklas;
    Ang demokrasya’y nakamtan muli sa wakas.

    Nguni’t sa paglipas ng taon, tila may nagbago;
    Ang kalayaan at demokrasya na ating natamo—
    Ay nabale-wala at ngayo’y inaabuso
    Ng mismong mamamayan, lalo na sa liderato;
    Masasayang na lang ba ang ipinaglaban dito?

    Para bagang isang bulkan ang bayan kong sinilangan;
    Madalas ang hidwaan, paminsa’y nagpuputukan;
    Mga lider ng pamahalaan gayun din ang mamamayan;
    Kailan ba matatapos yari itong kaguluhan;
    At magigising ang bayan sa kawalang paki-alam?

    Ganito ba ang mukha ng demokrasya sa ‘ting bansa?
    Na ang mga lider ay walang malasaki’t sa kapwa?
    Na sa tuwing halalan lang sila naalala?
    Kaawa-awa naman ang mga maralita’t dukha;
    Sa yaman at posisyon ang ilan ay nagpapasasa.

    Tayo ng kumilos, baguhin ang pananaw;
    Ating tahakin ang landas, gabay ng bagong araw;
    May pag-asa pa ang bayan, liwanag ay tanaw;
    Itaguyod, ipaglaban kalayaang ating sigaw;
    Demokrasya ng bayan huwag muling pumanaw.

    Sa kulay na dilaw na laksang umaapaw
    Tapang ay pumukaw sa’ming isip, puso’t galaw
    Kalayaan at demokrasya patuloy na isisigaw-
    Salamat po Cory, salamat po Ninoy
    Laban ay itutuloy naming mga Pinoy!

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: