Cory Aquino

On September 18, 1986, just 7 months after she was swept to power by a popular revolt against dictator Ferdinand Marcos, president Corazon C. Aquino addressed the joint session of the United States Congress during her first visit to the country since she came home to bury slain opposition leader and husband Sen. Benigno “Ninoy” S. Aquino, Jr. in August 1983.

 

The inaugural of Corazon Aquino after the People Power Revolution that toppled Ferdinand Marcos remains as one of the proudest moments in Philippine history.
  1. Sympony John C. Castilo
    August 3, 2009 at 5:54 pm

    LUHA NA HINDI PARA KAY PRESIDETE CORY

    Bakit pa nga ba ako iiyak sa pagkamatay na ito
    Ng dating Presidente Corazon Cojuangco Aquino?
    Ako ba ay nanglalapastangan? Samantalang siya’y iginagalang?
    Narito po ako at pakinggan. Sana’ay maunawaan, malaman ninyo ang dahilan.

    Hindi ko iniaalay ang luha ko para sa kanya
    Tanong ninyo ay: “Bakit nga ba”?
    Hindi ho ba’t sa cancer ay nais na din siyang pagpahingahin?
    Isa pa’y sa Diyos Ama, ang pamilya at mananampalataya, siya na’y tinagubilin.

    Hindi naman sa wala akong paggalang
    Sa paglisan ng Presidenteng lumisan
    Wala na akong mahihiling pa sa Pangulong ito
    Sa pag-aalay niya sa bayan ng buong pagmamahal, serbisyo, at talino

    Kung tutuusin, sa aking pagtunghay
    Sa espesyal at katangi-tangi niyang buhay
    Kanyang kinatawan para sa Pinoy at Pinay
    Ang kagalingan at pag-una sa bayan,tunay siyang dalisay

    Napag-alaman ko din naman ang patungkol sa kanyang
    Pagiging asawa, ina, at lola na matatag at pambihira
    Sa kanyang payak na pamumuhay at paglilingkod nang sinsero
    Ang Tita ng Bayan na si Cory dapat ngang hangaan nang totoo

    Pero bakit…bakit nga ba hindi ko inaaalay ang luha
    Sa isang taong mapagkumbaba at nagpakadakila?
    Pagka’t sa tingin ko’y kahit po si Ginang na itong namaalam
    Mas nanaisin na ang ating pagtangis ay hindi sa kanya, kundi para sa bayan

    Ang mga pumapatak mula sa aking mga mata
    Ay dahil, matapos lang ng dalawang dekada
    Mga isinakripisyo ni Ninoy at Cory Aquino
    Pinababayaan na gumapang at magpabigat muli sa Pilipino

    Mga kababayan …kalahing minamahal ko
    Ano ang ginagawa natin sa kanilang mga “Tra-Po”?
    Naiboboto pa kahit sila’y kapighatian kay Ginang Aquino
    Hahayaan na lang ba silang pumunas at dumingis sa karangalan ng lahing Pilipino?

    Si Madame Cory nanalangin at kumilos
    Na ang “People Power” ay laging matalos
    Na upang ang bawat simpleng persona na tulad niya
    Ay maging malakas, kapakipakinabang, sa tahanan, lipunan, kahit pa sa politika

    Nakalulungkot at masakit sa damdamin
    Na makita na si Tita Cory ay alalalahanin
    Nito lamang sa kanyang paglisan sa lupa
    At makalimutan nang lahat kung sino at ano siya, paglipas ng isang taon o dalawa.

    Sa iyo ang luha ko Inang Bayan
    Alam ko, kung buhay man ang ating Madame
    Kanyang buong buong maiintindihan
    Kung ang bayan at hindi ang pagpanaw niya ang aking iniiyakan

    O Pilipinas kong minamahal, isang katanungan lang
    Ilan pang pamilya at tahanan na tulad ng kay Cory ang kailangang
    Magsakripisyo ng katahimikan at payak na pagpapamilya
    Para lamang maituwid ang mga liko at mahirapang pang makibaka?

    Hindi nga masama na tayo’y manindigan
    Na kahit pa personal na layon ay maiwan
    Ngunit nakalulungkot at nakauubos luha
    Kung ang lusak ay dahil lang sa ang makabayang isip at kilos ay tinatuwa

    Pasensya na po kung ang luha ko
    Ay hindi para kay Presidente Aquino
    Bayang Pilipinas, ialay mo na din ang iyong luha
    Hindi dahil tayo’y iniwan ni Cory kundi dahil ang esensya niya’y iniiwan na

    Lumuha din ang babaeng Pangulong kaunaunahan
    Sa kalagayan ng ating Inang Bayan
    Tama na ang pagluha para kay Cory
    Tumangis ka para sa ikinalungkot ng dati nating Presidente.

    –S.J.C.C. (8/3/09)

  2. August 5, 2009 at 6:39 pm

    thank you so much my president aquino,we love you,wwe wil not forget you the lady in yellow…….joecel michelle desaliza here in sharjah dubai u.a.e….

  3. August 5, 2009 at 6:56 pm

    naway may sumunod pa na kagaya ng ating mahal na pangulong aquino,subalit sa mga nakikita ko sa ating bayan ngayon ay iisa parin puros silang mga gahaman sa kapangyarihan ang mga natitira,silang mga pangahas,na ang tanging alam lang ay sariling kapakanan…………………..ang magpayaman lang at magipon ng ariarian,d bali ng maghirap ang kababayan maayos lamang ang estado nila sa lipunan.kaya mga ka-juan dela crus kong mga kababayan tayo poy magtulungan para sa ikakaayos ng ating bayang sinilangan……………….piliin ang kagaya ni cory wag ang mga hinayupak na mga trapo sa lipunan,salamat cory,salamat mga kabayan……thats all folks!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!………………..

  4. August 14, 2009 at 7:00 pm

    Thank you very much, Madam president ” saint of democracy”.
    Not just here in philippines but to the whole world’s inspiration.

    Thank you for your love of this country, I’m grown up with my freedom now !!! B’coz I was born in 1985 and I really appreciate it…. And proud to be a FILIPINO……..

  5. dandansoy
    August 18, 2009 at 4:17 pm

    Demokrasya
    Tula para kina Ninoy at Cory sa paggunita ng kanilang mga pagpanaw sa buwan ng Agosto sinulat ni Prof. Dan Rivero

    Ang bayang naging tulog, bibig naging kimi;
    Ay namula’t, nagising at nagsalitang muli;
    Sa paglisan ng isang taong minsa’y tumindig;
    Laban sa rehimeng sa baya’y nagpatahimik;
    Mga karapatang sagrado matagal na siniil.

    Kanyang asawa pinatay na walang laban;
    Bitbit lamang ang hangad para sa kalayaan;
    Para sa sambayanang uhaw sa kapayapaan;
    Tungo sa tunay na kaunlaran nitong ating bayan;
    Sa ilalim ng katotohanan, pag-ibig at katarungan.

    Subali’t hindi naduwag itong abang biyuda;
    Sa halip ay tumayo at humarap sa masa;
    Baya’y nagkaisa’t tumalima sa panawagan nya
    Na labanan ang pagkamakasarili at pagpapasasa;
    Ng isang diktador, pamilya nya’t oligarkiya.

    Kalayaa’y natamo dalawang dekada ng lumipas;
    Nang ang diktador at alipores niya’y umalpas;
    Taumbaya’y nagsimula sa isang panibagong bukas
    Sa gabay ng lider na namuno sa pag-aaklas;
    Ang demokrasya’y nakamtan muli sa wakas.

    Nguni’t sa paglipas ng taon, tila may nagbago;
    Ang kalayaan at demokrasya na ating natamo—
    Ay nabale-wala at ngayo’y inaabuso;
    Ng mismong mamamayan lalo na sa liderato;
    Masasayang na lang ba ang ipinaglaban dito?

    Para bagang isang bulkan ang bayan kong sinilangan;
    Madalas ang hidwaan, paminsa’y nagpuputukan;
    Mga lider ng pamahalaan gayun din ang mamamayan;
    Kailan ba matatapos yari itong kaguluhan;
    At magigising ang bayan sa kawalang paki-alam?

    Ganito ba ang mukha ng demokrasya sa ‘ting bansa?
    Na ang mga lider ay walang malasaki’t sa kapwa?
    Na sa tuwing halalan lang sila naalala?
    Kaawa-awa naman ang mga maralita’t dukha;
    Sa yaman at posisyon ang ilan ay nagpapasasa.

    Tayo ng kumilos, baguhin ang pananaw;
    Ating tahakin ang landas, gabay ng bagong araw;
    May pag-asa pa ang bayan, liwanag ay tanaw;
    Itaguyod, ipaglaban kalayaang ating sigaw;
    Demokrasya ng bayan huwag muling pumanaw.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: